disyembre dalawampu't apat ng taong isang libo siyam na raan siyam na pu't tatlo,isang sanggol na babae ang iniluwal dito sa mundong ibabaw at pinangalanang Jessieca Ellaine
mtpos ang labintatlong taon, heto siya ngayon at pumipindot-pindot sa teklado at isinasalaysay ang mga bagay-bagay na pumapasok sa kanyang malikot na isipan.
kahit malikot ito,niisang segundo ay hindi kailanman nawala sa isip nya ang lalake na nagpapatibok ng kanyang dating walang kamuwang-muwang na puso.ang lalakeng ito ay may pangalan na mark lawrence.siya at siya lamang ang lagi niyang inaasam na laging makapiling.sapagkat kapag sila ay magkasama,ibang ligaya ang kanyang nadarama.
dumating ako sa eskwelahan namin na may dalang rosaryo at puno ang isip ng mga bagay na pwedeng maging resulta ng aking card.ako ay masyadong nag aalala dahil ang kapatid ko ay napagalitan na dahil bumagsak siya sa dalawa niyang asignatura. sa ilang minutong paghihintay, dumating ang aming tagapayo, si mam galido at may dalang isang piraso ng coupon bond na may nakasulat.hindi ko ito pinansin ngunit dinumog ito ng aking ibang mga kaklase.tinawag ako ng isang kaklase at nagwikang, "congrats".nagtaka ako.nagtaka talaga.yun pala ay kasama ako sa top ten sa aming klase.ang papel na yun ay naglalaman ng list ng top ten.ako'y hindi pa naniwala hanggang di ko nakikita.kaya nilapitan ko ang papel na nkadikit sa aming pisara.yun nga!totoo.ang saya ko.parang lahat ng pangamba ko ay nawala.akala ko ako ay makakakuha ng mababa pa.naisip ko noon, mahal pa pla ako ni God.
writtern @4:24 AM
.sana wala na lang katapusan ang lahat.
11.26.2008
natapos na ang lahat para sa dalawang taong yun.hai.
everything happens for a reason. people change so that you can learn to let go. things go wrong so that you appreciate them when they are right. you believe lies so you eventually learn to trust no one but yourself and.. . sometimes, good thing fall apart so better things can fall together. :'c
aww.qlug.hai.tsk.
bakit kasi kailangan pang magbago ang takbo ng isip ng tao? bakit kailangan pang mag iba ang nararamdaman? bakit kaya sadyang nawawala ang dapat na sana ay mayroon? dahil kaya sa takbo ng oras?maaari nga. pagkukulang kaya ng isa sa kanila?marahil. o talagang di lang talaga sila pra sa isa't isa?
naglalakad kmi nun at nag aasaran tungkol sa kanyang tunay na pag-ibig.inaasar ko siya nang inaasar at tawa kami ng tawa nun.bigla kong nabanggit ang tungkol sa nalalapit na pagwawakas ng dati'y isang mgandang pgsasamahan ng isa sa aming kaibigan.bigla siyang nagwika na may balak naman ako.ang diwa ko ay biglang natigil at napaisip ngunit dinaan ko na lamang ito sa pagloloko.nagtampo-tampo ako.pero biglang nag iba at bumalik kami sa kaninang asaran tungkol sa kanyang tunay na pag ibig.hindi ko na inisip pa ang nasabi niyang iyon at nakipagtawanan na lamang.
pag dating ko sa bahay,agad ko siyang tinext at inasar-asar ulit.napasagi sa aking isipan ang nasabi niya kanina tungkol sa balak niya at tinanong ko siya.ui.anu plan tung balak mu xbgu?ang kanyang replyay hindi ko inaasahan.sabi niya ay talagang may balak na raw siya.balak na tapusin na ang bagy na ito.tinanong ko siya kung siya ba ay seryoso.at sa pangalawang pgkakataon,nabigla ako,sa di inaasahang sagot niya.siya raw ay sigurado at wala nang raw itong bawian.sa mga segundong iyon, agad pumatak ang luha sa aking kaliwang mata.at nagsimulang mag isip.mag isip ng mga bagay na dapat ay hindi ko naiisip dahil may tiwala ako sa kanya.ngunit hindi ko napigilan.hindi na ako muling nagreply pa.pagkatapos ng ilang minuto, ay muli siyang nagparamdam.sinabi niya na biro lamang ang lahat.ako ay hindi pa rin sumagot.siya ay nagtxt muli at ngayon, ay humihingi ng patawad.sabi niya,ay mahal na mahal niya ako higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili.at hndi naman talaga yun ang kanyang balak.ang totoong balak niya ay ako at ako na ang kanyang mamahalin at wala ng iba.ako ay natauhan.ngunit ayoko pa ring magtxt sa kanya dahil ako ay nainis sa pag bibiro niyang yun.at isa pa umiral na din ang aking "pride".nagpalipas muna ako ng inis at tska ko siya tinxt.at ngayon ay ayos na. . .
writtern @3:27 AM
.kundiman.
11.22.2008
para kang asukal sintamis mong magmahal para kang pintura buhay ko ikaw ang nagpinta para kang unan pinapainit mo ang aking tiyan para kang kumot na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan nandito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw di baleng maghapon umulan basta't ikaw ang sasandalan liwanag ng lumulubog na araw kay sarap pagmasdan lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha ayoko ng magsawa hinding-hindi magsasawa sayo bahala na, ayoko muna magsalita hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana