.maling akala.
11.29.2008

dumating ako sa eskwelahan namin na may dalang rosaryo at puno ang isip ng mga bagay na pwedeng maging resulta ng aking card.ako ay masyadong nag aalala dahil ang kapatid ko ay napagalitan na dahil bumagsak siya sa dalawa niyang asignatura.
sa ilang minutong paghihintay, dumating ang aming tagapayo, si mam galido at may dalang isang piraso ng coupon bond na may nakasulat.hindi ko ito pinansin ngunit dinumog ito ng aking ibang mga kaklase.tinawag ako ng isang kaklase at nagwikang, "congrats".nagtaka ako.nagtaka talaga.yun pala ay kasama ako sa top ten sa aming klase.ang papel na yun ay naglalaman ng list ng top ten.ako'y hindi pa naniwala hanggang di ko nakikita.kaya nilapitan ko ang papel na nkadikit sa aming pisara.yun nga!totoo.ang saya ko.parang lahat ng pangamba ko ay nawala.akala ko ako ay makakakuha ng mababa pa.naisip ko noon, mahal pa pla ako ni God.
