.nakakapanghina ng loob na biro.
11.24.2008
naglalakad kmi nun at nag aasaran tungkol sa kanyang tunay na pag-ibig.inaasar ko siya nang inaasar at tawa kami ng tawa nun.bigla kong nabanggit ang tungkol sa nalalapit na pagwawakas ng dati'y isang mgandang pgsasamahan ng isa sa aming kaibigan.bigla siyang nagwika na may balak naman ako.ang diwa ko ay biglang natigil at napaisip ngunit dinaan ko na lamang ito sa pagloloko.nagtampo-tampo ako.pero biglang nag iba at bumalik kami sa kaninang asaran tungkol sa kanyang tunay na pag ibig.hindi ko na inisip pa ang nasabi niyang iyon at nakipagtawanan na lamang.
pag dating ko sa bahay,agad ko siyang tinext at inasar-asar ulit.napasagi sa aking isipan ang nasabi niya kanina tungkol sa balak niya at tinanong ko siya.ui.anu plan tung balak mu xbgu?ang kanyang replyay hindi ko inaasahan.sabi niya ay talagang may balak na raw siya.balak na tapusin na ang bagy na ito.tinanong ko siya kung siya ba ay seryoso.at sa pangalawang pgkakataon,nabigla ako,sa di inaasahang sagot niya.siya raw ay sigurado at wala nang raw itong bawian.sa mga segundong iyon, agad pumatak ang luha sa aking kaliwang mata.at nagsimulang mag isip.mag isip ng mga bagay na dapat ay hindi ko naiisip dahil may tiwala ako sa kanya.ngunit hindi ko napigilan.hindi na ako muling nagreply pa.pagkatapos ng ilang minuto, ay muli siyang nagparamdam.sinabi niya na biro lamang ang lahat.ako ay hindi pa rin sumagot.siya ay nagtxt muli at ngayon, ay humihingi ng patawad.sabi niya,ay mahal na mahal niya ako higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili.at hndi naman talaga yun ang kanyang balak.ang totoong balak niya ay ako at ako na ang kanyang mamahalin at wala ng iba.ako ay natauhan.ngunit ayoko pa ring magtxt sa kanya dahil ako ay nainis sa pag bibiro niyang yun.at isa pa umiral na din ang aking "pride".nagpalipas muna ako ng inis at tska ko siya tinxt.at ngayon ay ayos na. . .
