labintatlo.blogspot.com
.welcum.


c:

Love Myspace Comments




.moment of truth.
.themesong.
1.30.2009








.ikaw lamang.

writtern @7:20 PM

.hindi na niya ba ako mahal?




ang tanong na naglalaro sa aking isipan sa mga oras na hindi niya ako binista sa aming silid-aralan.bakit ko naman kasi pinairal pa ang aking pride?ang tanga ko.ang tanga-tanga.
gusto ko lang naman sana na suyuin niya pa ako ng konti.pero mukhang nainis ata.at ayun, lumabas sa silid aralan ng hindi man lang sa akin at nagpaalam.tanging sulyap lamang ang iniwan.
ang dahilan ng pag aaway namin, ay dahil sa kasal-kasalan.hha.maaring nakakatawa nga kung iisipin pero yun talaga eh.yinaya ko kasi siya sa bakanteng lote na nasa likod ng aming kantina.ang lugar kasing iyon ay naiayos na.may mga batong magsisilbing daanan at maayos ring nakatanim ang mga halaman.kaya naman naisip kong magkasal-kasalan.kami lamng ang nandun dahil mag gagabi na kasi nun.pag apak namin sa mga bato, kinuha ko ang kanyang kaliwang braso at ikinirin ko ito sa aking kanan.naglakad kami sa latag ng mga bato.naikwento ko ang pagkakasal-kasalan namin ng isang malapit na kaibigan kaninang umaga.bigla siyang nalungkot, at nag sabing, "sana tinawag mo ako, nandoon lang naman ako sa taas."ayun, parang nagkaroon ng puwang sa aming dalawa.hinatid niya na ako sa sakayan at ako'y sumakay na rin.parang nawalan na siya ng gana.

ang araw na yun ay enero dalawampu't walo taong dalawang libo't siyam.

ang araw din na yun sana ang unang anibersayo namin ng aking naunang katipan.

isa pala yun sa dahilan kung bakit siya nagkakaganun.siya ay nainsulto sa pagkakasabi nun sa kanya ng kanyang kaibigan.at lalo pa ata akong nagpadagdag dahil dun sa kasal.magkatext kami nung gabing iyon, ngunit ako'y inasar niya at ayun.ayun na naman ako, nagtatampo.hindi ko na siya muling rineplayan pa.at isang "gudnyt" lang ang nakapaloob sa mensahe ko sa kanya bago ako matulog.hanggang sa mag umaga ay hindi ko na siya muling tinext pa.dumating ako sa aming eskwelahan at nagulat nang magkatagpo kami sa malapit sa may hagdan.tinanong niya ako kung ako daw ba ay galit pa.at pailing-iling lang ng ulo ang aking isinagot.pumasok ako sa aking silid-aralan at naiwan siya sa labas.hindi ko na siya pinuntahan pa sa labas, at nang kalaunan ay sumilip siya sa pintuan.tinatawag ako.ang expresyon ng kanyang mukha ay napakabigat at napakalumbay na para bang anu mang oras ay maari siyang sumilakbo ng iyak.tinanong niya ako kung galit pa ba ako.umiling-iling lang ako ng konti.pumasok na siya at tumabi sa akin.siya ay nagpaliwanag na at ako naman ay nagpatawad na.nung siya ay bahagya ng paalis.tinanong niya ako kung galit pa ba ako.pinagpilitan ko siya na umakyat na at hindi ko na siya pinansin.ayun at umalis na.umalis ng walang paalam. .

writtern @4:42 AM

.walang imik ngunit sa loob ng isip ko y napakaingay.
1.27.2009




hai.walang ni isang tunog ang nanggaling sa bibig ko sa mga nakaraang oras.ewan ko ba.tila walang nararapat na salita ang lumabas sa aking bibig.pero.sa loob ng utak ko, ay parang nahlong mga kaisipan na nagpapasakit ng ulo ko.ang hirap intindihan.iba-iba ang bulong.mayroong sa tingin ko ay tama, at meron ding mali.maraming mga pumapasok na kaisipan na hindi dapat naiisip ng utak ko.ang hirap.ang hirap intindihin ang sarili.mahirap.napakahirap.

writtern @4:32 AM

.ngayon ko lang nalaman ang pagsisi.
1.26.2009



regrets always comes later. . .

ang panghihinayang niya ay nagyon ko lamang napag alaman.nalaman ko yun dahil sa isang malapit na kaibigan.sila kasi ay nagkaroon na munting pagbubukuhan at ang kaibigan kong yun, ay ipinaalam sakin.sa bawat mga pangungusap na inilalahad niya sa akin, para bang, gusto kong magkaroon ng..ng..rewind.

isinalaysay niya sa akin ang bawat tanong na ibinato niya sa kanya at bawat sagot na kanyang natamo.at nang sabihin niya na, nanghihinayang ito.bigla akong napaatras dahil sa di inaasahang sagot na iyon.ngayon ko lang nalaman na ganun pala ang kanyang naramdaman sa pangyayaring iyon.parang tinusok ng ice peak ang laman loob ko.

nung sinabi niya rin ang sagot niya sa tanong niya na, "nanghihinayang ka pala, ba't di mo binalikan??"biglang parang kuryenteng tumama sa diwa ko ang pagkakarinig ng isinagot niya."gusto niya sana, pero di nya alam kung paano."

ba't di ba kasi ako nagpakita sa kanya ng panghihina.sana pala ay oo na lang.yan ang naitanong ko sa sarili ng malaman ko na parang nawalan siya lalo ng gana nang hindi ako nagpakita ng pagkabigo.o di kaya naman ang pagkalungkot.hindi ako nagpakita ng mga senyales na apektado ako dahil ayaw kong isipin niya na ako ay isang mahinang babae.ayaw ko lang naman na magmukhang talo.

nang tinanong naman siya kung ano ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya kami na magkasama."ayos lang, total barkada naman at bagay naman sila."sa kabila ng lahat,masaya ako dahil masaya siya para sa akin, para saamin, at para sa aming dalawa.

ngunit. . .

writtern @5:06 AM

.akala ko ikaw na pero mali ako kasi umalis ka na.
1.24.2009

hindi planado ang araw na to para samin.eh kasi naman pareho kaming may mga sariling lakad.pro mga bandang alas dos ng hapon, nalaman namin na ang bawat isa ay nasa bayan kung kaya't naisipang magkita.niyaya niya akong sumama sa kanila, kasama ang ilang oxygen , na manood ng sine.sumama na lang ako dahil ang aga pa noon para umuwi.ayun, nkaupo kami, kasama ang iba, sa harap ng malaking telebisyon, at nanonood ng "one true love".naabutan namin ang palabas na iyon na nasa bandang kalahati na.sa totoo lang, mangiyak-ngiyak ako habang pinapanood namin yun hindi ko lang pinahalata, dahil lahat ng naririnig kong linya ay tila tumatama saakin at hindi ko mailagan.ang sakit.ngunit.pinigilan ko ang utak ko sa pag iisip ng mga iyon dahil katabi ko siya at tila isang pagtataksil kung ang mga iyon ang tumtatakbo sa aking isipan.ang kasunod na palabas ay "shake rattle and roll X".nakakatawa na nakakagulat na nakakatakot.hai ewan!pero ang saya.hha.tatlong istorya ata ang nakapaloob dun ngunit sa pagsisimula ng ikatlong kwento ay umuwi na ako dahil alas singko y medya na halos, kea ayun.umalis na lang ako mag isa.hai.pero.tila masaya naman ngunit,nakakalungkot.pero di bale na.

siya nga pala.ang kantang ito ay maihahalintulad ko sa napanood na one one true love.lalo na ang linyang, "i thought you were the one but i was wrong cause you've already left.."
medyo may kaugnayan iyon.
(ito rin pala yung kantang kinanta ni "apol" sa eskelahan namin.sa pag kanta niyang iyon ay parang may kumurot sa aking puso.di ko alam kung bakit)



.chelsea.

writtern @3:12 AM

.magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay.
1.14.2009

kahapon ang ikatatlong buwan ng aming pagsasama.hindi ako naghanda ng kahit anumang regalo dahil wala akong araw na bakante na pwedeng isingit ang pag plano at pagbili ng ireregalo.lahat kasi ng araw ay okupado at isa pa, nalalapit na ang aming ikatlong markahang pagsusulit.kaya naman, gumawa na lamang ako ng liham gamit ang marker na nakasulat sa plastic cover.[hindi naman ako masyadong nagtipid di ba?]ahaha.

gabi ng enero labindalawa ay binati niya na ako ng isang napakahabang text message[na hindi ko na ihahayag pa.] na sobrang nagpalambot sa aking puso.nagising ako ng bandang alas tres y medya nung araw na yun at saka ko siya binati.

at dahil nga martes iyon, at may pasok, at may Division Achievement Test, hindi kami masyadong nagkausap dahil kami ay abala sa paghahanda para sa pagsusuri na iyon.natapos ang eksamen na iyon mga bandang alas kwatro ng hapon, na maaga pa para umuwi at monthsary naman namin,inalok ko siya na kumain ng sorbetes sa bayan.
kahit napakalamig ng panahon at halos manginig ang aming katawan, ayun kami, nakaupo sa foodcourt ng isang mall kumakain ng matamis at malamig na sorbetes.[hot fudge.]

binigyan niya nga pala ako ng regalo. at eto yun. .



astigun! apilun! auxun! wah!!



pagkatapos naming kumain at magpalamig [kahit na malamig na ang panahon]hha.kami ay nagpasya ng umuwi.habang naghihintay kami ng jeep, sinabi ko sa kanya na dadalo ako sa prom.siya ay tuwang-tuwa.may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.hinagkann niya ang aking kamay at idinuyan sa hangin sabay wika, "prom kita ha."

nagpaalam na ako sa kanya at sumakay na sa jip ng may ngiti.wala akong masabi.kakaiba talaga ang araw na iyon.
:]

writtern @12:45 AM

.alam kong mali ngunit ba't di ko magawang iwasan.
1.09.2009

dapat hindi ito nangyayari pero tila sadyang nagkakasalubong itong "parte ng katawan" namin na dapat ay hindi.sa tuwing iyon ay magtatapo, kinikilabutan ako at parang may kuryente na dumadaloy sa likod ko, kasabay ng pagbulong ng utak ko, "hindi tama." pero ba't di ko magawang ilagan ang mga iyon.
bakit??

writtern @7:16 PM

.siya lang ang superhero ng buhay ko.
1.08.2009





kanina.sa aming paglalakad palabas ng Leon S.A. Aureus st. kaming dalawa ay nagkuwe-kwentuhan, hanggang sa mapasok sa usapan namin ang mga sikreto.naisip ko, na ito na ang tamang pagkakataon para masabi ko sa kanya ang aking sikreto na walang sinuman ang nakakaalam.sikreto na itinago ko ng mahabang taon.sakanya ko lang sasabihin, dahil sa malaking tiwala ko na nakalaan sakanya.tinawag ko ang kanyang pansin at bumulong ako na, "may powers(kapangyarihan) daw aq.".ahaha.pagbiro ko.sabi niya, meron din daw siya nun.ahaha.sabi pa nga niya saakin na kung nakalimutan ko na raw ba xa ang aking maestro sa pagmamahika.ahaha.
ang mga sumunod na pangyayari ay tila wala ng kabuluhan dahil nagpapayabangan na kami.ngunit.napakasaya ko.para kasi kaming bata na nagmamalaki sa dala naming laruan. :]

writtern @3:22 AM

.masaya ako dahil sa pagkakaibigan.
1.07.2009

kahit na naging mabigat ang nagawa nya saakin.nasaktan ako ng sobra-sobra dahil dun.mabuti nlng dahil hindi ako nagtanim ng sama ng loob at nagawa kong unawain ang mga bagay-bagay na hindi naman talaga dapat at hindi na dapat pang ipagpilitan.masaya ako sa pagiging bukas ko sa tama at mali.at dahil dito, bunga nito ang magandang pagkakaibigan sa bawat isa na higit pa sa aking inaakala.

writtern @3:52 AM

.ang tanging salita ay PAGBABAGO.
1.04.2009

bagong taon.
at tanging laman ng isip ko ay pagbabago.ewan ko ba kung bakit.para kasing may mali sa mga nkagawian ko ng gawin sa nakaraang taon.marami na ngang pumasok sa isip ko na mali.ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagbago ng mga iyon.aaminin ko, may kahirapan ang bagay na naisip kong yun dahil nagkaroon na ng kasanayan sa bagay na iyon at nag iwan na rin ito ng tatak na mahirap ng makalimutan.tatak na hindi na muling mapapalitan pa sa diwa ko.parang bisikleta, nung matutunan ko na, hindi ko na makalimutan pa.

writtern @6:08 AM