labintatlo.blogspot.com
.welcum.


c:

Love Myspace Comments




.moment of truth.
.ngayon ko lang nalaman ang pagsisi.
1.26.2009



regrets always comes later. . .

ang panghihinayang niya ay nagyon ko lamang napag alaman.nalaman ko yun dahil sa isang malapit na kaibigan.sila kasi ay nagkaroon na munting pagbubukuhan at ang kaibigan kong yun, ay ipinaalam sakin.sa bawat mga pangungusap na inilalahad niya sa akin, para bang, gusto kong magkaroon ng..ng..rewind.

isinalaysay niya sa akin ang bawat tanong na ibinato niya sa kanya at bawat sagot na kanyang natamo.at nang sabihin niya na, nanghihinayang ito.bigla akong napaatras dahil sa di inaasahang sagot na iyon.ngayon ko lang nalaman na ganun pala ang kanyang naramdaman sa pangyayaring iyon.parang tinusok ng ice peak ang laman loob ko.

nung sinabi niya rin ang sagot niya sa tanong niya na, "nanghihinayang ka pala, ba't di mo binalikan??"biglang parang kuryenteng tumama sa diwa ko ang pagkakarinig ng isinagot niya."gusto niya sana, pero di nya alam kung paano."

ba't di ba kasi ako nagpakita sa kanya ng panghihina.sana pala ay oo na lang.yan ang naitanong ko sa sarili ng malaman ko na parang nawalan siya lalo ng gana nang hindi ako nagpakita ng pagkabigo.o di kaya naman ang pagkalungkot.hindi ako nagpakita ng mga senyales na apektado ako dahil ayaw kong isipin niya na ako ay isang mahinang babae.ayaw ko lang naman na magmukhang talo.

nang tinanong naman siya kung ano ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya kami na magkasama."ayos lang, total barkada naman at bagay naman sila."sa kabila ng lahat,masaya ako dahil masaya siya para sa akin, para saamin, at para sa aming dalawa.

ngunit. . .

writtern @5:06 AM