.hindi na niya ba ako mahal?
1.30.2009
ang tanong na naglalaro sa aking isipan sa mga oras na hindi niya ako binista sa aming silid-aralan.bakit ko naman kasi pinairal pa ang aking pride?ang tanga ko.ang tanga-tanga.
gusto ko lang naman sana na suyuin niya pa ako ng konti.pero mukhang nainis ata.at ayun, lumabas sa silid aralan ng hindi man lang sa akin at nagpaalam.tanging sulyap lamang ang iniwan.
ang dahilan ng pag aaway namin, ay dahil sa kasal-kasalan.hha.maaring nakakatawa nga kung iisipin pero yun talaga eh.yinaya ko kasi siya sa bakanteng lote na nasa likod ng aming kantina.ang lugar kasing iyon ay naiayos na.may mga batong magsisilbing daanan at maayos ring nakatanim ang mga halaman.kaya naman naisip kong magkasal-kasalan.kami lamng ang nandun dahil mag gagabi na kasi nun.pag apak namin sa mga bato, kinuha ko ang kanyang kaliwang braso at ikinirin ko ito sa aking kanan.naglakad kami sa latag ng mga bato.naikwento ko ang pagkakasal-kasalan namin ng isang malapit na kaibigan kaninang umaga.bigla siyang nalungkot, at nag sabing, "sana tinawag mo ako, nandoon lang naman ako sa taas."ayun, parang nagkaroon ng puwang sa aming dalawa.hinatid niya na ako sa sakayan at ako'y sumakay na rin.parang nawalan na siya ng gana.
ang araw na yun ay enero dalawampu't walo taong dalawang libo't siyam.
ang araw din na yun sana ang unang anibersayo namin ng aking naunang katipan.
isa pala yun sa dahilan kung bakit siya nagkakaganun.siya ay nainsulto sa pagkakasabi nun sa kanya ng kanyang kaibigan.at lalo pa ata akong nagpadagdag dahil dun sa kasal.magkatext kami nung gabing iyon, ngunit ako'y inasar niya at ayun.ayun na naman ako, nagtatampo.hindi ko na siya muling rineplayan pa.at isang "gudnyt" lang ang nakapaloob sa mensahe ko sa kanya bago ako matulog.hanggang sa mag umaga ay hindi ko na siya muling tinext pa.dumating ako sa aming eskwelahan at nagulat nang magkatagpo kami sa malapit sa may hagdan.tinanong niya ako kung ako daw ba ay galit pa.at pailing-iling lang ng ulo ang aking isinagot.pumasok ako sa aking silid-aralan at naiwan siya sa labas.hindi ko na siya pinuntahan pa sa labas, at nang kalaunan ay sumilip siya sa pintuan.tinatawag ako.ang expresyon ng kanyang mukha ay napakabigat at napakalumbay na para bang anu mang oras ay maari siyang sumilakbo ng iyak.tinanong niya ako kung galit pa ba ako.umiling-iling lang ako ng konti.pumasok na siya at tumabi sa akin.siya ay nagpaliwanag na at ako naman ay nagpatawad na.nung siya ay bahagya ng paalis.tinanong niya ako kung galit pa ba ako.pinagpilitan ko siya na umakyat na at hindi ko na siya pinansin.ayun at umalis na.umalis ng walang paalam. .
